Sunday, February 23, 2014

Dubai's Currency- DIRHAMS

Dubai's Currency- DIRHAMS
            Dirham ang tawag sa currency ng United Arab Emirates na may abbreaviation na AED. Minsan ginagamit din ang abbreaviation na Dh o Dhs. One Dirham is composed of 100 fils . Fils ang pinakamababang halaga ng pera sa UAE. Ang currency ng Dirham ay nagsimula noong May 19, 1973 as a replacement for Dubai Riyal. Noong 1973 naman nagsimula ang paggamit ng coins magmula 1, 5, 10, 25, 50 fils at 1dirham. Ang 1 US dollar is equals to 3.67 Dirhams.

UAE BANKNOTES

image courtesy of http://www.atsnotes.com/catalog/banknotes/united-arab-emirates.html

UAE COINS DIRHAM AND FILS
from left to right (1 fil, 5fils, 10fils, 25fils, 50 fils, 1dh)

image courtesy of https://ouramazingworld.wikispaces.com/Emirates



How to distinguish the UAE Currency???



Experience:

The first amount that I spend in Dubai was 10 DHS which was given by my sister. Sa una di mo alam kung paano mo gagastusin ang pera dahil hindi mo nga alam kung magkano ang halaga nito kapag binili mo. Actually when you will try to convert it in Philippine Peso the 10dhs will have na amount of  P120 quiet enough to buy 1day of your food in the Philippines.

We went to supermarket to buy something to cook for dinner. We roam around the store and check for the vegetables and meat. I noticed the price tag of the products that they are selling. One plastic of four bread is 1.50 dhs cheap right? but when you convert it to the Philippine money you can buy 3 plastic of it.  

Saturday, February 15, 2014

Tagalog- English: Changing My Blog to Universal Language

Tagalog- English: Changing My Blog to Universal Language

Hello to all the readers of my blog and to all the bloggers out there. I think you know the language that I'm using on my blog is Filipino language or what we called Tagalog. I'm proud to be a Filipino that's why as much as I want I'm trying to make my stories written in my own my native language . But now I realize that I need to make a change with the language that Im using so that everyone will understand it and I can deliver to it clearly for all the readers. I decided to change it today because of the viewers that I received from around the world reading my blogs. From United States, Germany, Serbia, Russia, Finland, Spain etc. all of them I know that they are interested on it but it will be very hard for them to understand. A few months ago I tried the Google Translate to my blog to be able to translate my entry to different languages but then I noticed that not every sentence on my blogs was able to be translated on the specified language that a viewer want. Maybe Google translate have not yet the full capabilities of translating the Tagalog Language but I know on the next few months it will get more improvement. Now I will try to write my blog in English as much as I can to be able to deliver quality stories not just for my countrymen but for the whole world reading it. 

Friday, February 14, 2014

Valentines Day Sale

Valentines Day Sale

February 14, ito ang unang pagkakataon na icecelebrate ko ang Valentines Day sa Dubai. Malungkot pero

ganoon talaga kahit malayo ang mahal mo sa buhay kailangan magtiis :). Malayo man ang importante ay naalala mo siya sa isa sa pinakamahalagang araw ng taon ang Valentines day. Anyway since wala akong ka-date dito gagala mo ako sa mall at maglibang. Naisip ko na kailangan kong bumili ng sapatos dahil ang sapatos na ginagamit ko ngayon ay halos open na ang talampakan at napapasukan na ng tubig. ang isa naman na binili kong bago sa mall ay napakasakit panglakad dahil sa tigas ng talampakan o outsole. Siguro dahil mura lang ito 50dhs lang kasi ang bili ko sa mall at mukhang mababang quality. Ang 50dhs sa Dubai ay katumbas ng P600 sa Pilipinas kung tutuusin may mabibili na akong branded na sapatos kapag nasa Pinas ako. Kung iisipin mahal nga talaga ang bilihin dito. Think about this, noong nasa Pinas ako bumili ako ng tatlong sapatos 3 for P800 sobrang mura diba pero mababa ang quality almost same na nabili ko dito na 50dhs. Kakatawa nga sabi ko dapat pala bumili na ak ng braded nung nasa Pilipinas pa lang ako.
Itong araw na ito ay plano ko talagang bumili ng sapatos dahil sumasakit na ang paa ko sa gamit ko ngayon. Hinintay ko ang oras kung saan malapit na ang uwian ng kapatid ko para may kasama akong bibili. Tumawag ako at sabi niya 10pm ang labas niya. Gabi kasi ang duty sa mall, sa Mall of the Emirates na hanggang 12am ang closing time so makakahabol pa kami mamili ng sapatos. 

9pm plang nagprepare na ako ng sarili ko dahil magbibiyahe pa ako ng bus at metro. Naligo, nagbihis at sabay labas ng bahay. Malamig parin sa labas at buti na lang naka jacket. Sabay sakay sa bus 88 papauntang Al Jafliya Metro. Mga ilang minuto din ang byahe pero dahil ilang station ang bababaan ng train hanggang sa makarating ako sa MOE- Mall of Emirates. Eksaktong may natitira pa akong 15minutes bago mag-10pm kaya gumala muna ako sa electronic shop at nagtingin tingin ng mga bagong phones. Tingin lang ha! wala pa kasi akong pambili. 10:10pm naka receive na ako ng call sa kanya kaya punta na ako agad sa store nila. Naghihintay na pala siya doon. Habang naglalakad ako kitang kita ko ang mga shops na dinadaan ko na may kanya kanyang disenyo ng mga puso sa kanilang shop at parang sumasama sa celebration ng Valentines Day. Pagdating ko sa store ayun nga at naghihintay na siya. Sinabi niya sa akin na dalian daw namin dahil magsasara na ang mall pero alam ko talaga na 12am pa and I know that she was just fooling me. 
Diretso kami sa isang shop na kilalang kilala sa brand at quality ng sapatos sa UAE- ang Hush Puppies. Sales sila ngayon 70%-50% off sa ibang mga sapatos nila- valentines day sale daw. Nagtingin ako sa mga sapatos naghahanap ako ng sapatos na pwedeng pang-formal attire at pang casual pero halos lahat ng items nila may discount na. But still namamahalan pa rin ako ang mga sapatos na naka display sa kanila ay yung mga tinatawag na for clearance o mga item na pinapaubos na pero merong iba na di naman nagbago ang price. may nagustuhan ako pero maliit sa akin at wala nang available na size dahil yun na lang ang natitira.  Naghahanap ako at nakakita din pero formal shoes lang siya at hindi pwdeng pang casual but its ok need ko na talaga kaya binili ko na. Dahil na din sa dobrang bagsak na ng presyo nya na original price is 270dhs went down to 190dhs during DSF and now I bought it for 130dhs because of the Valentines offer. So kahit na tapos na ang DSF mayroong pa rin pala akong aasahang sale and I think I made a right decision with that. 

Change Climate- From Cold to Hot During Valentines Day

Change Climate- From Cold to Hot

                    Nagising ako 9am na medyo napasarap yata ang tulog ko siguro sa sobrang pagod sa work na kailangan kong bawiin sa off ko. Paggising ko hilamos agad at nagprepare na ng food. Nagluto ako ng noodles and egg dahil madali lang ito iluto at kailangang maihabol sa pag-alis ng kapatid ko. Pagkatapos kong nagluto ay at kumain diretso ako sa balcony para kunin ang damit sa laundry basket. Pagbukas ko ng pinto naramdaman ko na ang init na dati ay may halong lamig subalit ngayon medyo nagbago na ang init na iyon. Sabi ko na nga ba ngayon nagsisimula na ang pagbabago ng season sa Dubai ito ay katunayan lang na totoo nga na kapag umulan ng malakas at nagkaroon ng sandstorm ito ay sign na magbabago na ang temperature. Sumilip a°C na dati ay 16°C lang. Hindi pa naman gaano kainit subalit mapapansin mo ang mabilis na pagtaas ng temperatura.
ko sa laptop upang tingnan kung ilang degree ang temperature umabot ito ng 24

Wednesday, February 12, 2014

Dubai's Climate- Summer and Winter

Dubai's Climate

Kagabi malakas na kulog at kidlat ang umagaw sa akin na atensyon habang nasa kitchen ako sa bahay. Lumapit ang kapatid ko kagagaling nya sa kwarto tinanong kung nakita ko ba ang lakas ng kidlat at kulog na iyon na sabi niya ay parang lindol sa lakas. Pumunta ako sa kwarto tumingin sa laptop ko at tiningnan kung anong temperature sa labas 15 °C pala mas malakas na ang lamig sa labas kumpara sa lamig ng aircon namin. Habang nakaupo ako sa bed ko naririning ko na parang may tubig na bumubuhos sa labas at palakas ng palakas. Binuksan ko ang pintuan sa balcony namin at nakita ko ang lakas ng ulan at basang basa ang mga damit na sinampay namin. 

Ganito ang nangyayari kapag malapit nang magpalit ng climate sa Dubai. Mapapansin mo ang pagpapalit ng climate kung magkaroon na ng sandstorm ito ay dahilan sa pagsasama ng mainit at malamig na hangin. So kapag nagsandstorm asahan mong magpapalit ng climate dito. 

January ang pinakamalamig na buwan sa dubai. November to March ay isa sa pinakamagandang climate sa Dubai dahil sa malamig na panahon. Samantalang April to October ang summer. Isa sa pinakamalamig na temperatura na naitala ay sa buwan ng January na may 14.5°C at ang pinakamainit naman ay August na may 41.3°C.