Wednesday, February 12, 2014

Dubai's Climate- Summer and Winter

Dubai's Climate

Kagabi malakas na kulog at kidlat ang umagaw sa akin na atensyon habang nasa kitchen ako sa bahay. Lumapit ang kapatid ko kagagaling nya sa kwarto tinanong kung nakita ko ba ang lakas ng kidlat at kulog na iyon na sabi niya ay parang lindol sa lakas. Pumunta ako sa kwarto tumingin sa laptop ko at tiningnan kung anong temperature sa labas 15 °C pala mas malakas na ang lamig sa labas kumpara sa lamig ng aircon namin. Habang nakaupo ako sa bed ko naririning ko na parang may tubig na bumubuhos sa labas at palakas ng palakas. Binuksan ko ang pintuan sa balcony namin at nakita ko ang lakas ng ulan at basang basa ang mga damit na sinampay namin. 

Ganito ang nangyayari kapag malapit nang magpalit ng climate sa Dubai. Mapapansin mo ang pagpapalit ng climate kung magkaroon na ng sandstorm ito ay dahilan sa pagsasama ng mainit at malamig na hangin. So kapag nagsandstorm asahan mong magpapalit ng climate dito. 

January ang pinakamalamig na buwan sa dubai. November to March ay isa sa pinakamagandang climate sa Dubai dahil sa malamig na panahon. Samantalang April to October ang summer. Isa sa pinakamalamig na temperatura na naitala ay sa buwan ng January na may 14.5°C at ang pinakamainit naman ay August na may 41.3°C.

No comments: