Friday, January 24, 2014

Emirates I.D - Your Emirates Identity

Emirates I.D - Your Emirates Identity

Thursday January 23, Half-day lang ang pasok namin kapag ganitong araw kaya ngayon sigurado makukuha ko na ang emirates i.d ko. Isang buwan na rin ang nakakaraan ng nag-apply ako para sa registration nito. Ngayon sigurado ako na ready na siya for releasing dahil tiningnan ko ang status nito sa kanilang site at ito ay available na. Hanggang 1pm lang ang pasok namin kaya pagpatak ng 1pm out agad kami. Naglakad kami kasama ng mga ka-workmate ko sa bus stop malapit lang sa office. Ilang minuto lang dumating din ang bus 15 papuntang metro train. Nagbiyahe na kami. naglakad ng ilang minuto at nkarating din sa karama post office. Dito ako pumunta kasi noong tumawag ako sa kanila ito yung place na sinabi nila pagkukuhaan ko. Hindi lang dito ang kuhaan ng id mayroon silang 11 locations sa Dubai as of now.

Registration Form

How to get your emirates i.d?

 Sa registration form mo mayroong nakalagay na telephone no. ng customer service. tawagan mo iyon at itanong kung saang service center mo makukuha ang emirates i.d mo. Provide mo lang ang registration number mo at makikita na nila sa system. Kapag ok na pumunta ka na sa sinabing service center. Dalhin ang registration form dahil iyon ang kailangan magdala ka na rin ng copy ng passport mo para sa identification pero sa akin hindi na kasi hiningi ito. Mas maganda kapag dalawang copy ang dadalhin mo dahil yung isa ay ibibigay mo sa officer. Pagdating mo doon makikipila ka at kukuha ng form. Ibibigay mo ang registration
form mo sa officer tapos scan nya ang barcode. Pagkatapos ay may ibibigay siyang form sa iyo kasama ng registration form mo at sasabihin nya sa iyo kung saang counter ka pupunta. Pagkatapos fill up mo yung form ang information dito ay tungkol sa kung sinu ang kumuha ng id kung ikaw ang kumuha edi name mo din ang ilalagay mo. pagkatapos nito ibibigay mo na ulit ang form at pupunta ka ulit sa counter kung saan i rerelease an ang iyong emirates id. Madali lang ang process kung kaunti lang ang tao kaya mas maganda maaga kang pupunta. Ang alam kong schedule nila ay 9am to 9pm Saturday-Thursday.

Tuesday, January 14, 2014

Shop Shop Shop - Dubai Shopping Festival

Shop Shop Shop - Dubai Shopping Festival
Sabi ng kapatid ko pagkatapos ng New Year celebration mayroon na namang isang celebration na magaganap at iyon ay ang DSF. Tinanong ko siya kung ano iyon sabi nya Dubai Shopping Festival. Sabi nya ito raw ang buwan kung saan maganda mamili ng mga gamit dahil sa malalaking diskwento na ibibigay nila. 
Ang DSF o Dubai Shopping Festival ay nagsimula pa noong February 16,1996 layunin nito na palakasin ang retail bussiness sa Dubai at makaakit ng mga turista. May mga iniimbita silang mga artista mula sa ibat-ibang bansa para mag-show at ibat ibang pang entertainment, mayroon ding fireworks display. Nanghinayang ako sa buwan na ito dahil gusto ko sanag mamili ng mga gamit ko pero medyo kukulagin ata dahil sa liit ng sahod ko hehehe!. Ngayong taong 2014 nagsimula ang DSF ng January 2 hanggang February 2 2014. Isang buwang puno ng diskwento sa mga shopping malls kaya maganda mamili.Magmula sa damit, electronic gadgets, kagamitan sa bahay at marami pang iba lahat asahan mong may sale at hindi lang iyan halos lahat ay branded kaya ang sarap mamili. 
Ngayon ay pumunta nga kami ng kapatid ko. At ang target naming puntahan ay Mall of Emirates. Medyo gabi  7pm na kami pumunta sakay ng bus papuntang metro pagkatapos metro train papuntang mall of emirates. Sa daan pa lang makikita mo na ang mga ilaw na para bang christmas na naman sa sobrang dami ng ilaw sa daan na nagpapakita ng buwan ng celebration ng DSF. Ibat-ibang disenyo pero lahat ay nakikiisa sa paggunita at pagsuporta sa Dubai Shopping Festival. Pagdating pa lang namin sa mall kita mo na ng dami nang taong namimili at mapapansin mo sa mga store o shop nila ang namumulang signboard ng salitang SALE. Napawow ako dahil sa laki ng mga discount na ibinibigay nila halos 50% ng presyo ng produkto ng ibinaba. Ito pala ang buwan kung saan dapat mamili ng pangregalo, hehhe sayang dahil nauna ang New Year nakatipid sana sa bibilihing regalo.Pumunta kami sa HomeCenter dahil kailangan kong bumili ng ng paglagyan ng mga damit ko sa bahay. Naglibot libot kami doon at napansin ko na halos lahat ng produkto nila ay may discount. Ilang minuto pa lang nakita ko na nghinahanap ko,ang paglgyan ng damit. Tumignin ako agad sa tag para makita ang presyo. Ang dating presyo nito ay 59dhs pero ngayon mabibili ko lang siya ng 39dhs, wow ang laki ng discount. Binili na agad namin ito dahil baka maubs pa dahil kaunti na lang ang nakadsiplay na ganito.
Talagang sobrang ganda mamili ngayong buwan na ito sa sobrang dami ng discount sa mga branded items na dati ay hirap tayong bilihin dahil sa sobrang mahal.

Wednesday, January 1, 2014

1st Day of the Year 2014

1st Day of the Year 2014

Unang araw ng taon, magtatanghali na bago ako nagising 11 am na yun. Medyo sobrang puyat ang inabot ko kagabi. Pag-upo ko sa kama iba ang naramdaman ko. Makati ang lalamunan at tila ba umaapoy sa init ang aking katawan. Pakiramdam ko nilalagnat ako. Napasobra yata ang inom namin lalo na malamig na malamig at malamig pa ang panahon, idagdag mo pa ang puyat dahil 4am na ako natulog.

             Para wala akong lakas tumayo sa aking higaan. Pinilit ko na lang para makapaghilamos at mag-tootbrush ako. Peropagkatapos nito para wala pa ring nangyari dahil ganoon pa rin ang nararamdaman ko. Kaya bumalik ako sa kama para humiga ulit dahil. Nararamdaman ko ang init sa aking katawan pero nilalamig ako. Ito ay tanda na lalagnatin ako. Nahiga ulit sa pag-aakalang kailangan ko lang nang konting pahinga. Buti na lang at wala kaming pasok ngayon kung hindi baka hindi na rin ako nakapasok. Ilang minuto pa lang nagising ang kapatid ko at sinabi na mag-take daw ako ng Honey at Lemon kasi effective ito kpag nilalagnat. Ilalgay mo lang sa mainit na tubig ang honey at lemon tapos inumin ito. Ginawa ko naman ang payo ng kapati ko. Magandang gamot ito dahil epektibo talaga at nakakapagpainit pa ng katawan kaya tamang tama sa nilalagnat. May gusto akong ibahagi na ginagawa ko kapag nilalagnat ako na sa palagay ko malaking tulong para mapadali ang paggaling nyo. Ito ay base lamang sa ginagawa ko o nakagawian ko nang gawin kapag nakakaramdam ako ng lagnat. Sabi ng matatanda kapag nilalagnat ka huwag kang maligo. Sa akin naman kapag may lagnat ka, dapat na maligo ka. Ayon sa aking nabasa kailangan nating maalis at mailabas ang init sa ating katawan sa pamamagtan ng pagligo subalit hindi yung natural na pagligo mo na halos abutin ka ng ilang minuto. Dapat ay sandali lang dahil kapag pinatagal mo mgbubukas ang mga butas sa balat natin o ang tinatawag na pores na magiging sanhi ng pagpasok ng lamig kaya dapat ay sandali mo lamang gawin ito. Pagkatapos nyo maligo mararamdaman nyo na magaan sa pakiramdam. Subukan nyo nang malaman nyo.