Shop Shop Shop - Dubai Shopping Festival
Sabi ng kapatid ko pagkatapos ng New Year celebration mayroon na namang isang celebration na magaganap at iyon ay ang DSF. Tinanong ko siya kung ano iyon sabi nya Dubai Shopping Festival. Sabi nya ito raw ang buwan kung saan maganda mamili ng mga gamit dahil sa malalaking diskwento na ibibigay nila.
Ang DSF o Dubai Shopping Festival ay nagsimula pa noong February 16,1996 layunin nito na palakasin ang retail bussiness sa Dubai at makaakit ng mga turista. May mga iniimbita silang mga artista mula sa ibat-ibang bansa para mag-show at ibat ibang pang entertainment, mayroon ding fireworks display. Nanghinayang ako sa buwan na ito dahil gusto ko sanag mamili ng mga gamit ko pero medyo kukulagin ata dahil sa liit ng sahod ko hehehe!. Ngayong taong 2014 nagsimula ang DSF ng January 2 hanggang February 2 2014. Isang buwang puno ng diskwento sa mga shopping malls kaya maganda mamili.Magmula sa damit, electronic gadgets, kagamitan sa bahay at marami pang iba lahat asahan mong may sale at hindi lang iyan halos lahat ay branded kaya ang sarap mamili.
Ngayon ay pumunta nga kami ng kapatid ko. At ang target naming puntahan ay Mall of Emirates. Medyo gabi 7pm na kami pumunta sakay ng bus papuntang metro pagkatapos metro train papuntang mall of emirates. Sa daan pa lang makikita mo na ang mga ilaw na para bang christmas na naman sa sobrang dami ng ilaw sa daan na nagpapakita ng buwan ng celebration ng DSF. Ibat-ibang disenyo pero lahat ay nakikiisa sa paggunita at pagsuporta sa Dubai Shopping Festival. Pagdating pa lang namin sa mall kita mo na ng dami nang taong namimili at mapapansin mo sa mga store o shop nila ang namumulang signboard ng salitang SALE. Napawow ako dahil sa laki ng mga discount na ibinibigay nila halos 50% ng presyo ng produkto ng ibinaba. Ito pala ang buwan kung saan dapat mamili ng pangregalo, hehhe sayang dahil nauna ang New Year nakatipid sana sa bibilihing regalo.Pumunta kami sa HomeCenter dahil kailangan kong bumili ng ng paglagyan ng mga damit ko sa bahay. Naglibot libot kami doon at napansin ko na halos lahat ng produkto nila ay may discount. Ilang minuto pa lang nakita ko na nghinahanap ko,ang paglgyan ng damit. Tumignin ako agad sa tag para makita ang presyo. Ang dating presyo nito ay 59dhs pero ngayon mabibili ko lang siya ng 39dhs, wow ang laki ng discount. Binili na agad namin ito dahil baka maubs pa dahil kaunti na lang ang nakadsiplay na ganito.
Talagang sobrang ganda mamili ngayong buwan na ito sa sobrang dami ng discount sa mga branded items na dati ay hirap tayong bilihin dahil sa sobrang mahal.
Talagang sobrang ganda mamili ngayong buwan na ito sa sobrang dami ng discount sa mga branded items na dati ay hirap tayong bilihin dahil sa sobrang mahal.
No comments:
Post a Comment