Tuesday, December 31, 2013

Welcome 2014: Celebrating New Year in Dubai


Welcome 2014: Celebrating New Year in Dubai

           
Katatapos lang ng christmas at ngayon after 6 days celebration naman ng New Year. Now hindi lang chrstians ang magcecelebrate kundi buong mundo. Maaga akong pumasok, hyper ako ngayon pakiramdam ko sobrang saya ko siguro dahil ma-eexperience ko na kung paano ang celebration ng New Year dito sa dubai. Sobrang excited na akong makita kung ano ang mga mangyayari. 
            Sa office lahat masaya pakiramdam ko lahat ay excited at naghahanda. maaga kaming pinauwi dapat ay 5pm pero pinauwi na kami ng 4pm. pinag-uusapan namin ng mga collegues ko ang firework display sa Palm Jumeirah at Burj Khalifa dahil yun daw ang inaabangan at dinadayo tuwing New Year lalo pa ngayon na magtatala sila ng Guiness record of the Biggest Fireworks Display. Gusto ko sanang pumunta at manood ng malapitan pero sabi nila mapapagod lang ako at makikipagsiksikan sa dami ng taong pumupunta para manood.Pagbaba ko sa office lahat nagbabatian ng happy new, nakangiti at mukhang masayang masayang. Binati ko naman sila at sabay alis na din para maghintay ng bus kasama ang kawork mate ko. Isang Pinoy, sasabay daw siya sa akin dahil bibili siya ng handa nila para sa new year dahil may mga bisita siya. Sinamahan ko naman siya dahil di naman kalayuan ang supermarket sa amin. 
           Pagdating sa supermarket ay sobrang daming tao. Mas marami pa ang tao ngayon kumpara sa nung christmas, halos lahat ng lahi ay namimili ng pang handa. Pumunta agad kami diretso sa mga bibilihing rekado. Spaghetti at afritada daw ang iluluto niya, konting salo salo lang basta may handa at mai-celebrate ang new year. Pagkatapos bumili ng rekado ay pumunta kami sa fruits section. Ewan lang kung pare pareho ng paniniwala ang ibang lahi. Dahil sa atin kailangan daw tayong bumili ng prutas na bilog para swertehin sa pagsalubong ng bagong taon. At hindi lang isa dapat ay 13 na klase ng prutas daw ang dapat na mabili. Sa sobrang mahal ng prutas bumili kami ng pira piraso lang.pagkatapos nya mamili ay uwi iniwan ko na siyang nakapila sa counter.
            Pumunta na ako sa bahay, pagbukas ng pinto lahat ay busy nagpre prepare na ng pagkain. Sobrang dami nang handa namin ngayon. Nag-contribute kami 100 dhs per partition eh siyam ang partition kaya meron kaming 900 dhs 9 thousand pesos sa pinas, masyadong malaki kung ikukumpara mo dito ang magagastos di tulad sa atin kahit 100 dhs lang madami ka ng mailuluto hehehe!. May palabok, sisig,menudo, barbeque, pizza, salad, cheesecake, biryani, hotdog. Pumasok ako sa kwarto para doon kumain. Punong puno na naman ang tiyan ko nito. Kumuha ako ng plato at pinuno nang pagkain. Pasok ako sa kwarto, open ng laptop at chat sa mg family ko sa Pilipinas. Pagbukas ng video sa skype naririnig ko na ang mga tawanan nila, sobrang saya nilang lahat. 12am na kasi sa kanila kaya start na ang kainan at palaro na taon taon naming ginagawa. Namiss ko talaga pati ang mga pamangkin at sila lola sabi nga nila kulang na daw sila kasi nga wala na kami para mag-celebrate. Lahat sila bumati sa akin at nanghihingi ng gift. ahehehe sabi ko naman sige sige.Pumunta ako sa balcony para ipakita sa kanila ang labas namin, dito kasi namin aabangan ang fireworks ng Burj Khalifa, tanaw lang kasi dito sa balcony.
               After kumain ay inumpisan na namin ang exchange gift. Kakamis din ito dahil sa pinas every year may exchange gift kami. After nun umpisahan na naman namin ang inuman at kantahan sa videoke. Habang nakatingin sa oras at inaabangan ang pagpatak ng alas dose para pupunta na kami sa balcony para manood ng fireworks display.11:50pm iniwan namin ang iniinom namin sabay puntahan lahat sa balcony para manood. Dala dala ang cellphone, DSLR camera sabay kuha ng litrato para walang mamiss na sandali. Hawak hawak ang kawali at kaldero sabay batingting para pampaingay, ito dawang ginagawa para lumayas ang malas sa bahay. Habang naghihintay nag-take pa kami ng group picture. Ilang sandali ang may nakita na kaming helicopter na umiikot sa burj khalifa. Ilang minuto pa lang ay ayun na nga nagsimula na ang fireworks display. Lahat kami napapawow sa nakikita. Sobrang galing nang pagkakagawa at ang ganda talaga. Parang isang malaking christmas tree ang dating.Sa 828 meter na taas ng Burk Khalifa gumamit sila ng 500,000 fireworks para sa 6minute na display na iyon. Sukit naman dahil ito ay isa sa highlight ng new year sa Dubai. Pagkatapos ng fireworks display lahat kami nabitin para bang kulang pa rin ang nakita namin dahil sa sobrang ganda. Bumalik na kami sa sala at pinagpatuloy na ang inuman. Kantahan, tawanan, kwentuhan hanggang sa isa isang nag-aalisan dahil sa sobrang kalasingan.
              4am na at tatlo na lang kaming natitira sa sala.Dinig ko pa rin ang sigawan ng kabilang flat na halatang nag-eenjoy pa. Wala nang inuman puro kantahan na lang. Dumating ang isa naming kasama sa bahay na pagod na pagod galing trabaho. Biruin mo ba na nilakad nya mula sa pingtratrabahuhan niyang supermarket mula sa bahay dahil daw sa sobrang traffic.Ganito pala dito kapag new year. Nakaramdam na ako ng pagod at wala na rin akong boses dahil sa kasisigaw. Pumasok na ko sa loob ng kwarto at yun ay nahiga. Sabay buntong hininga. Happy New Year Dubai...





Breaking the Record; Dubai's Attempt on Guinness for the Biggest Fireworks Display

Breaking the Record; Dubai's Attempt on Guinness for the Biggest Fireworks Display
    
Tuwing ako papasok nitong mga nakaraang araw ng December lagi kong nakikita ang malaking taurpaulin sa may footbridge kung saan ako naghihintay ng sasakyan papuntang office. Nakalagay dito ang Largest Fireworks Display Attempt on Guiness World Record. Napa wow ako kasi sobrang karangalan na naman ito para sa Dubai kung maging matagumpay man.


           December 31 2013 lahat ng tao nakatutok sa malaking pasabog na gagawin ng Dubai ngayon pagtatapos ng taon. Mahigit half million fireworks ang ang nilatag na may habang 94 kilometers o 58.4 miles sa Atantis at Burj Khalifa para sa engrandeng fireworks display nang taon. Natalo nito ang record nang Kuwait na may 77,282 fireworks dating may hawak nang record sa pinakamalaking fireworks display.Sabi nang Guiness gumamit sila ng 100 computers at 200 technicians para gawin ang naturang fireworks display. hindi din biro ang ginastos nang Dubai para sa show na iyon na nagkakahalaga ng $6million o 4.3 million euros.

The Fruit of Hardship; My First Salary

The Fruit of Hardship; My First Salary

                Isang buwan at kalahati na akong nagtratrabaho sa company pero di pa rin ako sumasahod.
Tinanong ko ung accounting namin last month kung makukuha ko nang pinasok ko na 2 weeks kong work as nung month ng November sabi nya saken isasabay na raw sa December ang sahod ko. Nag-aalala ako kasi wala na akong pera at nakadepende na lang ako sa kapatid ko. Siya ang gumagastos nang pangangailangan ko, pagkain, bahay, at maging damit na ginagamit ko sa pagpasok ay bumili din siya. sabi ko nga sa isip ko ang laki laki na ng utang ko sa kanya. Kaya kailangan ko na talaga ng pera ngayon hehheehe para di na ako aasa at mabayaran ko nang kahit konti ang ginastos niya sa akin.
             December 30, 2013, pagpasok ko sa office. Umupo ako agad sa table ko at gumawa ng mga paper works. ilang saglit lang may tumawag sa telepono nang ka workmate ko, para saken ang tawag na iyon pero wala ako line ng telepono sa table. Biglang sabi saken na bumaba ako sa accounting at kukunin ko ang sahod ko. Di pa ako maniwala noon kasi niloloko nila ako na next year pa ang sahod ko.Bumaba naman ako para tanungin pero di ko inaasahan. pagpasok ko as loob sabi ng accouting staff "Cmon take your salary" bigla akong napangiti dahil sa wakas sasahod na rin ako at 1st na sahod ko ito dito sa bansang Dubai at hindi na sa Pilipinas. Binigay sa akin ang sobre na may lamang pera at pumirma ako sa payslip. Pagkakuha ako ay umalis agad ako sabay lagay sa bulsa sa likod ng pantalon ko. sabay punta sa department ko sa taas. Kinuha ko sa bulsa ang pera pero nahulog ang coins na kasama nito kaya nakita ng mga workmates ko ang sobre. "Wow may sahod na sya" sabi nila sa akin. "Ahh oo hehhehe" sabi ko. Nakita nang katrabaho kong ibang lahi saba sabi sa akin na magpa- Paratta Party daw ako. Paratta ay pagkain na parang hot cake tapos nilalagyan ng toppings sa loob. Lahat saw ng bagong sahod ay nanlilibre ng pagkain kaya sabi ko naman ok. pumunta kami sa isang restaurant at nag-order ang masama wala pala ang gumagawa ng paratta nang oras na yun.Buti na lang sinabi ng nagbabantay na darating sya after ng isang oras.  Naging interesado ako sa restaurant na yun kaya kumuha kami ng pamplets nila ng mga sini-serve nilang food. Sinabi namin na ideliver na lang ang pagkain. Bumalik agad kami sa office at naghintay nang ilang minuto. Ayun at dumating din ang order namin. Kainan na!

Wednesday, December 25, 2013

1st Christmas in Dubai- Celebration

1st Christmas in Dubai- Celebration

                   Ilang minute pa lang habang online ako ay may kumatok sa kwarto ko. ”Labas ka na kakain na tayo” sabi ni kuya. Agad naman akong lumabas at ayon handa na ang mga pagkain. Napa wow ako dahil halos lahat nang niluto ay paborito ko hehehhe. May inihaw na pusit, pasta, inihaw na hotdog, mechado,litson, at barbeque. 9pm kami nagstart kumain. Sabi nila kailangan daw kumain na para makapag start na nang inuman. Kumuha ako agad dahil gutom na gutom na ako. Umupo ako sa sulok habang kumakain habang  nakikinig nang pamaskong tugtugin. Naaalala ko ang pasko na pinas na magkakasama kaming lahat. Nakakmis pero alam ko na ganoon talaga kailangan eh.

                    Ilang minuto lang naubos ko kinakain ko sabay labas naman nang inuming alak. Smirnoff at beer na beer. Ang lupet ng beer kasi imported hehehhe!. Habang nag-iinuman sabay nang kantahan sa videoke. Ito na ang nagsilbi naming libangan dito ang kantahan sa videoke. Mahilig kasi talaga ang mga pinoy sa kantahan. Dalawa ang table isa sa mga lalake at isa sa mga babae. Iba kasi ang iniinum nila at saka di kami  kasya sa table, wala kasi kaming malaking table dito.  Kung bibili man eh wala ring space na paglalagyan. Kwentuhan kami tungkol sa trabaho dahil nga bago pa lang ako nag-advice sila kuya saken. Marami akong nalaman sa kanila tungkol sa trabaho. Naging Masaya ang kwentuhan naming lahat, nagtatawanan na parang nag cecelebrate din kami na pasko sa pinas. Kumanta pa si kuya ang kantang pamasko na sinabayan naming lahat. Inabot na kami ng 2am at unti unti nang nagsisi alisan sa upuan dahil sa lasing na. ako natulog ako ng 3am at iniwan ko na silang nagkakantahan at nag-iinuman. Pumunta ako sa banyo para mag-hilamos at mag brush sabay pasok na sa kwarto upang matulog. Nakita ko ang kapatid ko na gising pa di ko na talaga kaya ang katawan ko kaya naisipan ko nang humiga. PiƱata niya ang ilaw at sabay sindi ng Christmas light sa maliit naming Christmas tree. HaaaaaaaaaaaY merry Christmas DUBAI.


1st Christmas in Dubai-Preparation

1st Christmas in Dubai-Preparation

             11:00 am kagigising ko lang. buti na lang binigyan kami ng off ng manager namin. Lahat ng mga Christians walang pasok salamat naman. Gusto ko lang ikwento sa inyo ang 1st Christmas experience ko dito sa Dubai. Oo nandito na ako sa Dubai at nasa tatlong buwan na akong nag-iistay dito.

                Kahapon Dec.24 late na akong nagising 8am ako nagising samantalang 8am ang pasok ko. Napatayo ako agad at napatingin sa oras. Sheeeet! Oo nga late na ako. Nagmadali ako nagbihis, hindi na naligo hindi na rin kumain. Ayaw ko kasing ma-late. Ito ang unang late ko sa pagpasok. Naglagay ng gel sa buhok at nagpabang, sabay alis. Naglalakad ako mga 100 meters ang layo sa bahay namin ng bus stop. Pagdating ko sa bus stop saktong may parating na bus. Ito talaga ang bus na sinasakyan ko bus12. Habang nasa bus nag-ring ang phone ko may tumatawag telephone number. Sinagot ko agad sabay sabay dinig ng hello. Pagkarinig ko ng boses ahhhh lam ko nang sa office namin tumawa ang Pakistani office mate ko at tinanong kung papasok ako. Sabi ko nman ye, sorry I woke up late because me and my cousin went to dubai mall until 12am.  Ilang minuto lang nakarating na ako . dalidali akong naglakad papunta sa office mga 50 metro ang layo sa bus stop. Sabay punch in sa biometrics, late ako ng 30 mins. Haaay!!. Pagdating ko sa room sabi ko sir sorry na-late ako, isang pinoy ang manager namin. Sabay sabi nyang ok lang.
Dali dali akong umupo sa desk ko at nagsimula nang magtrabaho. Iniisip ko mamaya ay Christmas na papayagan kaya kami mag-off bukas. Sai nila kelangan pa daw mag-paalam sa manager( boss ng mga boss). Ewan ko lang, sana payagan kami.

                 Dumating ang 4pm, isang oras na lang mag-out na kami wala pa ring nagpapaalam. Siguro ala naman na nila yung celebration nang mga Christians kaya ok lang na hindi na magpaalam. Pagpatak ng 5pm ayon na nga mag-out na kami. dali dali akong bumaba at sabay sabi sa ka office mate ko na pinoy, “Pare punta na ako ha! May gagawin pa kasi ako bibili pa ako ng handa”.
Nagmamadali akong nag-out. Naglakad papauntang bus stop at maghihintay na naman nang masasakyan pauwi. Habang naglalakad ay mararamdaman mo na ang lamig ng hangin, sa dubai ko pa lang na-experience na kahit tanghali at tirik ang araw ay para akong nasa airconditioned room dahil sa lamig ng hangin. Tumatawag ako sa pinas pero di nila sinasagot. Siguro busy pa sila naghahanda kasi 10pm na doon.
6:30pm na ako nakauwi ng bahay. Pagdating ko doon ay nagluluto na sila kuya. Mukhang marami kaming handa kasi nag contribution kami 100dhs per room kaya sigurado masarap ang ihahanda nila. Pagpasok ko sa room tumawag ulit ako sa pinas. Di nila sinasagot at puro ring lang. ilang minuto lang may nagtext sa phone ko. Ayon nga mag-online daw ako sa skype sabi ni mama.
                
               Nagbihis ako at nag-online agad. Ayon nakausap ko sila sa pinas, nagkamustahan, batian at kulitan sa mga pamangkin. Di ko na nga makilala ang mga pamangkin ko dahil bihira sila magpakita sa chat. Kinamusta ko sila, at binati, masaya na makausap mo ang pamilya mo lalo na na sa panahong malayo ka, nakakatanggal ng pagod na makita mo silang ngumingiti at tumatawa. Iba talaga ang pinoy kasi masyado tayong mapagmahal sa family.

Haaaay!kakamis ang pasko sa pinas. Pagkatapos ng chat. Dumating ang kuya ko at sabay sabing bumili raw ako ng load ng etisalat para kay ate dahil tatawag siya sa pinas. Dali-dali akong bumaba at pumunta sa supermarket na malapit sa amin. Pagdating ko ay sobrang dami nang taong namimili nang kanilang ihahanda.  Halos mga pinoy lahat, talagang todo tayo kung mag celebrate ng Christmas. Sabi nga sa pag-aaral ay tayo daw mga Pilipino ang may pinakamahabang  Christmas celebration dahil September pa lang ay naglalagay na tayo nang mga palamuti at dekorasyon sa bahay kaya ramdam agad ang diw ng pasko sa atin. Dito sa supermarket ay ramdam mo din ang pasko dahil nagpapatugtog sila ng mga Christmas songs at my mga nakasabit na christmas decors. Kahit na sa binebenta nilang cake ay meron din.


                Pumunta ako sa counter at nakipagsiksikan para bumili ng cellphone load. Ayon nakabili din. Pagdating ko sa bahay ay pinabalik ulit ako sa supermarket para bumili ng tinapay at softdrinks. Sobrang lamig sa labas kanina kaya nagsuot muna ako nang jacket. Nakabili naman ako agad sabay balik nang sukling 5.50dhs. Balik sa kwarto at harap sa computer para batiin nang merry Christmas ang mga friends ko sa online.

Friday, December 6, 2013

Getting To Know Me

Getting To Know Me

                          Tawagin nyo na lang ako sa pangalang RJ. Isa ako sa mga pilipinong nangarap ng magandang buhay at nakipagsapalaran sa bansang UAE, Dubai. Galing ako sa isang pamiyang masasabing nasa middle class, hindi mahirap, hindi rin naman mayaman. May sariling tirahan at kumakain tatlong beses sa isang araw. Lima kaming magkakapatid at ako ang pang-apat. Ang tatay ko ay may negosyong babuyan samantalang ang nanay ko ay housewife. Namulat ako sa buhay kung saan nakaranas kami ng hirap. Nandun yung wala kaming sariling kuryente at nakikikabit lang sa kapitbahay. Natutulog sa malamig na sahig na nalalatagan ng banig. Isang batang wala pang alam kung hindi ang maglaro, kumain, matulog

Isang araw nasa pitong taong gulang yata ako nun. Dumating ang malakas na ulan.Sarap na sarap ako sa pagtulog, bigla akong ginising ni Mama at pinapalipat sa isang kwarto.bigla akong naalimpungatan. Ang tubig mula sa ulan ay pumapasok na sa loob ng bahay naming sa sobrang lakas. Kailangan kong tumayo at lumipat sa isang kwarto para hindi maabutan.sa lakas nang bagyo madidining mo anghamas nang mga hangin sa yero at mga punong nagbabagsakan. Paggising ko ng maaga, mahina na ang ulan at tila paalis na ang bagyo. Lumalabas ako sa kusina. Ang kusina pa namin noon ay yari sa buho na pinaghabi-habi. Paglabas ako sa nakita ko dahil wala na kaming bubong sa kusina at pati ang pader ay wala na rin. Nakita ko si mama na namumulot nang gamit namin sa bahay na naluloblob sa tubig. Nagkalat na baso, kutsara, plato at iba ang makikita mo ang umagang iyon. Naisip ko sa panahong yun ang hirap ng buhay. Inisp ko sa sarili ko kung paano ako makakatulong. Siguro isa sa paraan ko kung paano ako makakatulong eh yung magkaroon ako ng magandang edukasyon at makatapos ng pag-aaral. Lahat ng magulang ang pangarap ay makapagtapos at makita ang kanilang anak na umaakyat sa entablado at tumanggap ng diploma na katunayan na nakapagtapos ka ng pag-aaral. Nagtapos ako nang kursong computer science sa isang Unibersidad sa araw na iyon ang pagtatapos ko dito palang magsisimula ang tunay na buhay na tatahakin ko. Samahan nyo ako sa saya, tawanan, luha at lungkot ng buhay. Pakikipagsapalaran sa mundong tayo ang gumagawa.