Wednesday, December 25, 2013

1st Christmas in Dubai- Celebration

1st Christmas in Dubai- Celebration

                   Ilang minute pa lang habang online ako ay may kumatok sa kwarto ko. ”Labas ka na kakain na tayo” sabi ni kuya. Agad naman akong lumabas at ayon handa na ang mga pagkain. Napa wow ako dahil halos lahat nang niluto ay paborito ko hehehhe. May inihaw na pusit, pasta, inihaw na hotdog, mechado,litson, at barbeque. 9pm kami nagstart kumain. Sabi nila kailangan daw kumain na para makapag start na nang inuman. Kumuha ako agad dahil gutom na gutom na ako. Umupo ako sa sulok habang kumakain habang  nakikinig nang pamaskong tugtugin. Naaalala ko ang pasko na pinas na magkakasama kaming lahat. Nakakmis pero alam ko na ganoon talaga kailangan eh.

                    Ilang minuto lang naubos ko kinakain ko sabay labas naman nang inuming alak. Smirnoff at beer na beer. Ang lupet ng beer kasi imported hehehhe!. Habang nag-iinuman sabay nang kantahan sa videoke. Ito na ang nagsilbi naming libangan dito ang kantahan sa videoke. Mahilig kasi talaga ang mga pinoy sa kantahan. Dalawa ang table isa sa mga lalake at isa sa mga babae. Iba kasi ang iniinum nila at saka di kami  kasya sa table, wala kasi kaming malaking table dito.  Kung bibili man eh wala ring space na paglalagyan. Kwentuhan kami tungkol sa trabaho dahil nga bago pa lang ako nag-advice sila kuya saken. Marami akong nalaman sa kanila tungkol sa trabaho. Naging Masaya ang kwentuhan naming lahat, nagtatawanan na parang nag cecelebrate din kami na pasko sa pinas. Kumanta pa si kuya ang kantang pamasko na sinabayan naming lahat. Inabot na kami ng 2am at unti unti nang nagsisi alisan sa upuan dahil sa lasing na. ako natulog ako ng 3am at iniwan ko na silang nagkakantahan at nag-iinuman. Pumunta ako sa banyo para mag-hilamos at mag brush sabay pasok na sa kwarto upang matulog. Nakita ko ang kapatid ko na gising pa di ko na talaga kaya ang katawan ko kaya naisipan ko nang humiga. Piñata niya ang ilaw at sabay sindi ng Christmas light sa maliit naming Christmas tree. HaaaaaaaaaaaY merry Christmas DUBAI.


No comments: