Getting To Know Me
Isang araw nasa pitong taong gulang
yata ako nun. Dumating ang malakas na ulan.Sarap na sarap ako sa pagtulog,
bigla akong ginising ni Mama at pinapalipat sa isang kwarto.bigla akong
naalimpungatan. Ang tubig mula sa ulan ay pumapasok na sa loob ng bahay naming
sa sobrang lakas. Kailangan kong tumayo at lumipat sa isang kwarto para hindi
maabutan.sa lakas nang bagyo madidining mo anghamas nang mga hangin sa yero at
mga punong nagbabagsakan. Paggising ko ng maaga, mahina na ang ulan at tila
paalis na ang bagyo. Lumalabas ako sa kusina. Ang kusina pa namin noon ay yari
sa buho na pinaghabi-habi. Paglabas ako sa nakita ko dahil wala na kaming
bubong sa kusina at pati ang pader ay wala na rin. Nakita ko si mama na
namumulot nang gamit namin sa bahay na naluloblob sa tubig. Nagkalat na baso,
kutsara, plato at iba ang makikita mo ang umagang iyon. Naisip ko sa panahong
yun ang hirap ng buhay. Inisp ko sa sarili ko kung paano ako makakatulong. Siguro
isa sa paraan ko kung paano ako makakatulong eh yung magkaroon ako ng magandang
edukasyon at makatapos ng pag-aaral. Lahat ng magulang ang pangarap ay
makapagtapos at makita ang kanilang anak na umaakyat sa entablado at tumanggap
ng diploma na katunayan na nakapagtapos ka ng pag-aaral. Nagtapos ako nang
kursong computer science sa isang Unibersidad sa araw na iyon ang pagtatapos ko
dito palang magsisimula ang tunay na buhay na tatahakin ko. Samahan nyo ako sa
saya, tawanan, luha at lungkot ng buhay. Pakikipagsapalaran sa mundong tayo ang
gumagawa.
No comments:
Post a Comment