1st Christmas in Dubai-Preparation
11:00 am kagigising ko lang. buti na lang binigyan kami ng
off ng manager namin. Lahat ng mga Christians walang pasok salamat naman. Gusto
ko lang ikwento sa inyo ang 1st Christmas experience ko dito sa
Dubai. Oo nandito na ako sa Dubai at nasa tatlong buwan na akong nag-iistay
dito.
Kahapon Dec.24 late
na akong nagising 8am ako nagising samantalang 8am ang pasok ko. Napatayo ako
agad at napatingin sa oras. Sheeeet! Oo nga late na ako. Nagmadali ako
nagbihis, hindi na naligo hindi na rin kumain. Ayaw ko kasing ma-late. Ito ang
unang late ko sa pagpasok. Naglagay ng gel sa buhok at nagpabang, sabay alis.
Naglalakad ako mga 100 meters ang layo sa bahay namin ng bus stop. Pagdating ko
sa bus stop saktong may parating na bus. Ito talaga ang bus na sinasakyan ko
bus12. Habang nasa bus nag-ring ang phone ko may tumatawag telephone number.
Sinagot ko agad sabay sabay dinig ng hello. Pagkarinig ko ng boses ahhhh lam ko
nang sa office namin tumawa ang Pakistani office mate ko at tinanong kung
papasok ako. Sabi ko nman ye, sorry I woke up late because me and my cousin
went to dubai mall until 12am. Ilang
minuto lang nakarating na ako . dalidali akong naglakad papunta sa office mga
50 metro ang layo sa bus stop. Sabay punch in sa biometrics, late ako ng 30
mins. Haaay!!. Pagdating ko sa room sabi ko sir sorry na-late ako, isang pinoy
ang manager namin. Sabay sabi nyang ok lang.
Dali dali akong umupo sa desk ko at nagsimula nang
magtrabaho. Iniisip ko mamaya ay Christmas na papayagan kaya kami mag-off
bukas. Sai nila kelangan pa daw mag-paalam sa manager( boss ng mga boss). Ewan
ko lang, sana payagan kami.
Dumating ang 4pm, isang oras na lang mag-out na kami wala pa
ring nagpapaalam. Siguro ala naman na nila yung celebration nang mga Christians
kaya ok lang na hindi na magpaalam. Pagpatak ng 5pm ayon na nga mag-out na
kami. dali dali akong bumaba at sabay sabi sa ka office mate ko na pinoy, “Pare
punta na ako ha! May gagawin pa kasi ako bibili pa ako ng handa”.
Nagmamadali akong nag-out. Naglakad papauntang bus stop at
maghihintay na naman nang masasakyan pauwi. Habang naglalakad ay mararamdaman
mo na ang lamig ng hangin, sa dubai ko pa lang na-experience na kahit tanghali
at tirik ang araw ay para akong nasa airconditioned room dahil sa lamig ng
hangin. Tumatawag ako sa pinas pero di nila sinasagot. Siguro busy pa sila
naghahanda kasi 10pm na doon.
6:30pm na ako nakauwi ng bahay. Pagdating ko doon ay
nagluluto na sila kuya. Mukhang marami kaming handa kasi nag contribution kami
100dhs per room kaya sigurado masarap ang ihahanda nila. Pagpasok ko sa room tumawag
ulit ako sa pinas. Di nila sinasagot at puro ring lang. ilang minuto lang may
nagtext sa phone ko. Ayon nga mag-online daw ako sa skype sabi ni mama.
Nagbihis ako at nag-online agad. Ayon nakausap ko sila sa
pinas, nagkamustahan, batian at kulitan sa mga pamangkin. Di ko na nga makilala
ang mga pamangkin ko dahil bihira sila magpakita sa chat. Kinamusta ko sila, at
binati, masaya na makausap mo ang pamilya mo lalo na na sa panahong malayo ka,
nakakatanggal ng pagod na makita mo silang ngumingiti at tumatawa. Iba talaga
ang pinoy kasi masyado tayong mapagmahal sa family.
Haaaay!kakamis ang pasko sa pinas. Pagkatapos ng chat. Dumating ang kuya ko at sabay sabing bumili raw ako ng load ng etisalat para kay ate dahil tatawag siya sa pinas. Dali-dali akong bumaba at pumunta sa supermarket na malapit sa amin. Pagdating ko ay sobrang dami nang taong namimili nang kanilang ihahanda. Halos mga pinoy lahat, talagang todo tayo kung mag celebrate ng Christmas. Sabi nga sa pag-aaral ay tayo daw mga Pilipino ang may pinakamahabang Christmas celebration dahil September pa lang ay naglalagay na tayo nang mga palamuti at dekorasyon sa bahay kaya ramdam agad ang diw ng pasko sa atin. Dito sa supermarket ay ramdam mo din ang pasko dahil nagpapatugtog sila ng mga Christmas songs at my mga nakasabit na christmas decors. Kahit na sa binebenta nilang cake ay meron din.

Pumunta ako sa counter at nakipagsiksikan para bumili ng
cellphone load. Ayon nakabili din. Pagdating ko sa bahay ay pinabalik ulit ako
sa supermarket para bumili ng tinapay at softdrinks. Sobrang lamig sa labas
kanina kaya nagsuot muna ako nang jacket. Nakabili naman ako agad sabay balik
nang sukling 5.50dhs. Balik sa kwarto at harap sa computer para batiin nang
merry Christmas ang mga friends ko sa online.
No comments:
Post a Comment